Blog
Lucban at Chicken Skin at Longanisa
Noong nakaraang Mayo 14, dumayo kami patungong Lucban Quezon para makipiyesta sa Pahiyas Festival. Sinalubong kami ng madaming kakaibang paninda sa kalye. Mga laruang hand made na masarap paglaruan ang tumawag ng aking pansin dahil sa mga makukulay na designs. Habang inaantay ang Chippy Gimikada Free Concert, umikot ikot muna kami upang kumain. Alam ko masama ito sa katawan pero talagang masarap naman talaga ang masama. Chicken Skin at BBQ, Proven at Bituka ang pinapak namin. Longanisang Lucban nalang ang inuwi namin dahil busog na kami. Madaming tao ang nakipiyesta. Madaming taga- Manila at foreigners. Magaganda din ang mga design ng bahay na puro pagkain at kiping ang nakasabit! Siguradong sa susunod na taon, pupunta ulit ako para sa Pahiyas! Salamat kay Mayor Moises VillaseƱor sa pagtangap samin at sa masayang kainan sa Lucban. The best ka, Lucban!

