Blog
Ka-Friendster? Ka-Multiply? O Ka-Facebook?
Fourth Year ako nung nauso ang Friendster.
Nakakaaliw siya kasi feel kong ipagyabang noon na madami akong friends na cool kasi active sila online. Bukod pa dun, sa pamamagitan ng friendster, nakakapag fish din ako ng magagandang statements tungkol sakin galing sa mga friends ko sa pamamagitan ng testimonials. Talagang hindi ko sila titigilan hangga’t di pa sila nagsusulat ng testi. Kapag pangit ang testi, reject!
Dito sa Pinas at sa Indonesia, kapag tinanong mo kung ano ang pinakasikat na social networking site, malamang sa malamang friendster ang mauuna sa listahan. Through the years, naging icon na siya sa pag-bridge natin sa mga long-lost friends, classmates, kamag anak, at sa kung sino pang mga kakilala.
Yung iba pa nga sa atin, sa friendster naghahanap ng makakadate at yung iba sa kanila nagkakatuluyan pa talaga. Mas pinadadali din ng friendster ang buhay ng mga mahilig sa textmates. Nung unang panahon, kelangan pang magrisk para makipag kita sa katext para Makita itsura nila. Pero ngayon, sa text pa lang, puwede nang hingin ang email ad sa friendster para makita itsura ng katext – pag panget, huwag nang pag aksayahan ng oras at sabihin na lang ‘C.O.S nko eh, txt u sum odr tym! Ü’ (meaning, Check Operator Services na… in other words, wala nang load kunyari). Kung LQ naman kayo ng bf/gf mo at feel mong mag emo at magpapansin, palitan mo lang ang status mo to “it’s complicated”.
After a couple of years, nagregister ako sa multiply. I must admit, nagregister lang ako kasi curious ako. Siguro it took me mga more than a year bago ko siya inupdate. Personally, since mahilig akong magblog, mas user-friendly ang multiply in terms of blogging. Kasi kung ako lang, ang hanap ko sa isang networking site ay yung magkakaron ako ng interaction sa mga friends at yung mas may liberty ako sa pagba-blog. Ibig sabihin, pag gusto kong mag attach ng pictures, music, links, videos, etc. sa mga blog entries, magagawa ko dapat. Lahat ng mga yun, nakita ko sa multiply. Lahat yata ng pictures ko mas madaling i-organize sa multiply.
Kung kilig factor din ang hanap mo, ‘di ka bibiguin ng multiply. Kasi makikita mo dun kung sino ang nagviview sayo at kung ano ang viniview nila in particular. Ako nga one time, sabi ng ex ko di na daw siya interesado sa akin. Pero dahil sa multiply ko, nalaman kong naghahanap pa din siya ng updates sa akin kasi madalas niyang iview mga bago kong pics, blog entries, at kahit anong ipost ko. Hehe.
On the other hand, kung ka-date lang ang hanap mo, limitado lang ang options sa multiply kasi bukod sa kokonti lang ang users ng multiply sa Pinas, hindi mo pa mamamaximize yung searching preferences mo. Unlike sa friendster, puwede mong ilimit yung search mo kung ano ang age range ng gusto mo (kung pedophile ka, ilimit mo yung search sa 10-13 years old), saang school nagaaral (kung social climber ka, ilimit mo yung search sa mga mamahaling schools), sang lugar siya galing, marital status (kung trip mo manira ng relasyon, ilimit mo yung search sa mga ‘in a relationship’ ang status), at kung ano ano pa. Sa multiply, ang mahahanap mo lang ay yung mga alam mong email addresses o kaya multiply id.
Nung umattend ako ng isang seminar about internet marketing noong 2007, nalaman ko na sa buong mundo pala, mas popular ang facebook compared sa kahit anong social networking sites. Nang malaman ko yun, shempre di puwedeng di ako papahuli kaya nagregister agad ako.
Until now, mas naging loyal ako sa facebook. In terms of ‘interactive interaction’, angat ang facebook dahil sa dami ng applications, quizzes, games, at kung ano ano pa. Sa facebook ko nalaman na ang ideal profession ko pala ay isang tubero, ang past life ko pala ay isa akong tipaklong, at ang screen name ko pala kung magiging bold star ako ay ‘Nardo Bagatsing’. Sa Farmville, naranasan ko magkaron ng sarili kong hacienda at mang alipusta ng mga hampas lupa. Dito ko rin nalaman na ang worth ko pala kung ibebenta ko ang sarili ko ay $25,345,117.00 sa pamamagitan ng Friends For Sale.
Di ko na kelangan hanapin sa yahoo messenger ang mga kaibigan kong online kasi puwede ko na din sila makachat sa facebook mismo.
Kaso, yung homepage ko sa facebook, hindi ko puwedeng gawing personalized ang design kasi wala siyang ganung feature di tulad ng friendster at multiply. Kung sabagay, nakaka irita din minsan yung OA na mga designs to the point na ang bagal magload ng page dahil sa sobrang daming eklat.
Mahigit sampung taon na din akong nag iinternet. Sa paglipas ng panahon, maraming sites ang lumalabas na kumukuha ng interest natin. Ganun pa man, ka-friendster ka man, ka-multiply, o ka-facebook, I’m sure lagi kayong may makikitang ka-gimikada na kasama niyo sa hirap at ginhawa, barkada niyong tunay… cheeeeeesy!


