Blog
Ilang tulog na lang
Ilang tulog na lang… pasko nanaman! Favorite time of the year ko talaga ang Christmas. Iba kasi yung feeling eh.
Damang dama mo ang happiness sa air. At syempre aside from walang pasok sa school eh you get to bond with your family, friends, and relatives
Na kung minsan ay tuwing December mu lang tlga nakikita. Pero syempre, kung happy happy ang lahat during the merry season…ay meron din downside ito…
Bukod sa magastos dahil sa sangdamakmak na dapat bilhin na figurine at photo frame pangregalo sa kaberks, kaklase, teachers, kapitbahay, kapamilya, kapuso ay busog busog din ang tiyan natin sa dami ng handang lechon, turkey (kung sosyal ka), fruitcake (sino bang kumakain nito?), hamon, cookies, softdrinks, ice cream.. ay basta marami! So paano mo nga naman ba icocontrol ang mga ganitong bagay? How can you keep your wallets stress-free and your tummies healthy during the Christmas season?
Kapag usapang pesosesoses… ito ang ilan sa sinasabi nilang workable tipid tips:
- DIY or Do It Yourself. Yes…kung ikaw ay isang henyo sa larangan ng sining eto ang tumpak na solusyon sa money problems mo. Bukod sa mura bumili ng raw materials ay nag-enjoy ka pa sa paggawa. Masasabi mo sa kaberks mo na bunga ito ng iyong labor of love. Oh diba? Ang cheeeesssy!
- Say no no to credit card! Para sa mga yuppies jan o kaya mga nagtatrabaho na, mas mabuti pang i-cash nyo na lang kaysa icharge sa card. At least you don’t overspend at monitored nyo ang budget.
- Kung si Santa Claus ay may listahan ng “Naughty or Nice”, dapat meron din kayong listahan ng mga taong reregaluhan nyo and set the budget per person or group para you’re sure to spend within your budget.
- SALE! SALE! SALE! Take advantage of mall sale para you get good quality at a lower price.
- Early bird gets the worm. Mas ok na mamili months before para at least hindi mabibigla ang bulsa nyo sa gastos at hindi pa kyo mahahassle sa haba ng pila. Less stress ito mga kaberks!
Diyeta sa pagkain sa panahon ng kasaganaan:
- “No thanks”. Ngayon pa lang ay sanayin na banggitin ang mga salitang ito dahil makikita nyong it will be quite useful during Christmas party, get-togethers, dinners. Kapag niyayaya na kayong kumuha ng mga katakot takot na juicy lechon at nilalagyan na ang inyong mga baso ng yelo with softdrinks o beer eh unahan nyo na ng “No thanks, I’m just here to party”. Sa ganung paraan ay hindi nyo na pwedeng bawiin ang sinabi nyo dahil nakakahiya and you saved your body from huge amount of calories.
- Kapag aattend ng mga party ay ugaliing magsuot ng hapit na damit. Sa ganitong paraan, wala kayong choice kundi kumain ng kaunti para hindi bumakat ang tiyan kesa pigilan nyo ang paghinga at magkulay asul during the party. It’s up to you…
- It’s better late than never! Yes, very true ang kasabihan na ito. Kung ang Christmas Party ay 7PM hanggang 10PM, siguraduhing dadating kayo ng… 9:45PM. Madalas paubos na ang pagkain nun at kaunti na lang ang natira, again, wala kang choice kundi kainin ang tira-tira. In that way nalasahan mo parin ang lechon at nakapagchikkahan ka parin sa mga friendly friends mo.
- “Run Forrest! Run!” Kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi mo napigilang kumain ng bonggang bongga sa isang Christmas Party…don’t worry…meron parin solusyon diyan! Dapat nga lang you’re 100% alert at all times! and I mean AT ALL TIMES! Bakit kamo? Given na bondat na bondat ka na sa hamon, ice cream, softdrinks at kung anu-ano pa… kapag may nakitang nakatutok na camera sa iyong harapan, tumakbo sa nearest bondat friend. Yes, this proved to be very effective. Tiyak na kapag na-post sa facebook ang picture nyo ay hindi ka magmumukhang mataba dahil magkasize lang kayo ng bondat friend mo. At least clear ang evidences at hindi ka guilty sa pagkataba mo.
Lito from Tondo


