Blog
Tubig
Dati wala naman ako pakialam sa tubig na ginagamit ko panligo, pangsipilyo, panginom at pangdilig. Alam ko naman kasi maraming tubig dito sa mundong ito. ¼ lupa, ¾ dagat nga ang mundo natin. Ngunit, namulat ako noong sinubukan namin mag – Tree Planting sa Eco Park. Nauubos na pala ang fresh water natin! Sa lubos na paglaki ng ating populasyon dito palang sa bansa natin, hindi malayong mangyari ang pagkulang ng tubig para suportahan ang 90milyong Pilipino sa susunod na 10 taon. Ika nga ng speaker namin sa tree planting “the world is thirsty” kailangan natin ng fresh water sa ating buhay sapagkat hindi natin kayang mabuhay ng isang linggong walang tubig.
Alam niyo ba na sa isang sasakyan na bumubuga ng Carbon dioxide, 10 puno dapat ang mag-absorb nito. Naisip niyo ba kung ilang sasakyan meron sa metro manila lamang? Kaya kung meron kang kotse, i suggest start planting a tree now pambayad mo sa kalikasan.
Narito ang ilang paraan upang makatulong tayo sa kailikasan. Sa ganitong paraan, makakatulong pa tayo sa pagiwas sa dagdag basura, pagtipid sa kuryente at pagligtas sa natitirang natural resources natin.
- Siguraduhing nakasara ang gripo habang tayo ay naliligo o nagsisipilyo. hindi naman natin kailangan nakabukas lagi ang gripo sa mga panahong ito.
- Magtanim ng puno.
- Simulang iwasan gumamit ng mga plastic or paper cups / styrofoam / plastic spoon and fork kapag kumakain sa labas. Pwede naman tayo magkamay or magdala ng sariling pinggan / kutsara at tinidor o tasa sa ating panginom.
- Magtanim ng puno.
- Iwasan ang hindi kinakailangan pag-print or paggamit ng papel. Uso na cellphone ngayon, pwede na tayo mag notes doon. At walang masamang mag proof read ng mga projects / reports bago mag-final print.
- Magtanim ng puno.
- Hindi cool ang magkaroon ng sasakyan kung ang dadaanan mo naman ay puro trapik. Subukan mo mag-commute. Hindi din siya nagiging cool dahil tumataas nanaman ang petrolyo ngayon. Mas cool kung hindi ka laging late sa mga lakad dahil sa trapik at kumakain ka kasabay ng mga kaibigan sa restaurant at hindi nagtitipid dahil kailangan mo pa magpagas.
- Magtanim ng puno.
- Pwede ipang dilig ang mga tubig na tinatapon nalang natin sa sink. Hindi naman mapili ang halaman sa tubig.
- 10)Magtanim mg puno.
Ito lang naman ay ilang paraan para makatulong sa kinabukasan ng ating ating mundo. Dito tayo nakatira. Alagaan natin ito bago bahain ang mundong ito dahil sa ating kagagawan. Di ba?

