About
Jack ‘n Jill Chippy, being the “barkada comfort snack” has been trying to reach out to its target market by utilizing below the line activities or events to allow them to experience what the brand stands for.
“Gimik” – word used by the young people to mean good time, hang-out, party
“Barkada” – group of friends
Gimik + Barkada = GIMIKADA
Handa na ba kayo sa chippygimikada.COM?
Simula pa noong 2003, sagot na ng Chippy ang gimik ng barkada. Folk Arts Theater pa lang, madami na ang naki-rakenrol sa amin.
Hanggang di na mapigilan (mula 2005) ang pagdami ng mga gigs ng Chippy na umabot na sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas! Luzon, Visayas at syempre hanggang sa Mindanao! Bawat isang gig iba ang pakiramdam. Napuntahan ko sila lahat! Minsan kahit umuulan, game pa rin. For the love of music talaga! Iba kase pag napanood mo at narinig mong live na tinutugtog ang paboritong mong kanta… syempre ng paborito mong banda. Ang zarap!!!
And speaking of banda, di na rin mabilang kung ilan na ang tumugtog at naki-jamming sa mga Gimikada events. Naging main-stay na rin ang iba. Lalo na ang mga Soupstar bands na tuloy pa rin ang suporta! Thank you ha. Ü
Kaya naman, heto na mga katropa, drum roll please… the new and improved chippygimikada.com! Sa totoo lang, walang biro, para sa inyo talaga ang site na ito. Para pag gusto nyo malaman saan ang gig ng favorite band nyo, or wala lang, trip lang gumimik kasama ang tropa, check nyo lang ang site at game na! Malay mo, manalo ka pa sa aming monthly online promos o pwede ring ma-feature ang inyong barkada (instant sikat kayo nyan).
Kung meron kayong katanungan, kwento, pictures o kahit anong gusto nyong sabihin sa amin, wag na magdalawang isip na I-email kami. Sabi ko nga, para sa inyo talaga ang site na ito.
Pano, kita kits na lang sa next Chippy Gimikada events!


